-- Advertisements --

Nagpataw ng panibagong sanctions ang Estados Unidos laban sa pitong mga Chinese officials dahil sa ipinatupad na crackdown sa mga democracy movement sa Hong Kong.

Ang sanctions na inilathala ng US Treasury Department ay nakatuon sa mga personalidad sa Hong Kong liaison office ng China, na ginagamit umano ng Beijing upang ipatupad ang mga polisiya sa Chinese territory.

Ang pitong katao na idinagdag ng Amerika sa mga tinaguriang “specially designated nationals” ay ang mga pangalang Chen Dong, He Jing, Lu Xinning, Qiu Hong, Tan Tienui, Yang Jianping, at Yin Zonghua, lahat ay mga deputy directors ng liaison office.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken ang naturang mga Chinese officials noong nakalipas na taon ay nasa likod nang pag-atake sa mga demokratikong institusyon, pag-impluwensiya sa halalan at pag-aresto sa libu-libong mga kritiko.