-- Advertisements --

Nakatakda nang manumpa bilang bagong associate Justice ng Supreme Court (SC) si dating Court of Appelas (CA) Justice Amy Lazaro-Javier.

Ayon sa SC-PIO, isasagawa ang oath taking ceremony dakong alas-2:00 ngayong hapon sa session hall ng Bagong SC building sa Padre Faura, Manila.

Kahapon ay kinumpirma ni Executive Sec. Salvador Medialdea na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Javier bilang bagong SC associate justice.

Pinalitan ni Javier si retired Associate Justice Noel Tijam.

Si Javier ay pang-pitong puwesto lamang sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na may botong anim.

Siya ay nagtapos na magna cum laude sa Philippine Normal University (PNU).

Magugunitang sa interview ng JBC, tahasang inihayag ni Javier na hindi kaaway o kalaban ng mga kababaihan si Pangulong Duterte.