CENTRAL MINDANAO- Simula noong Agosto 11 by appointment na ang pagbabayad ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation o PHILHEALTH sa buong SOCSKSARGEN Region.
Basehan nito ang Memorandum Transmittal ng DILG Cotabato Province at Advisory number 2020-010 ng Philhealth Region XII.
Ipatutupad sa bagong sistema ng pagbabayad sa Philhealth ang last digit o huling numero ng Philhealth ID o PIN at Employer Number o PEN ng miyembro.
Kung walang PIN o PEN ang miyembro, ang unang letra ng kanyang apelyido ang susundin.
Narito ang bagong schedule sa pagbabayad ng Philhealth:
Lunes para sa PIN/PEN na nagtatapos sa 0-1 at sa mga apelyidong nagsisimula sa letrang A,B,C at D.
Martes 2,3 at E, F, G, H, I at J.
Miyerkules 4-5 at K,L,M at N.
Huwebes 6-7 at O,P,Q,R,S at T.
Biyernes 8-9 at U,V,X,Y at Z.
Exempted sa bagong sistema yaong mga magpoproseso ng Philhealth ng mga pasyenteng naka confine sa mga ospital at iba pang health emergencies.
Pansamantala lamang ang nabanggit na sistema alinsunod na rin sa minimum health protocols na itinakda ng National InterAgency Task Force na naglilimita sa bilang ng pagtitipon ng mamamayan sa mga pampublikong lugar para maiwasan ang pagkalat ng Covid19.