-- Advertisements --
Sinas2

Mapayapa sa pangkalahatan ang Thanksgiving procession ng Black Nazarene.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Naniniwala si PBGen. Debold Sinas na dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng NCRPO partikular ang Manila Police District (MPD) dahilan naging mapayapa sa pangkalahatan ang nasabing aktibidad.
napaiksi Naniniwala si PBGen. Debold Sinas na dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatupad ng NCRPO partikular ang Manila Police District (MPD) dahilan naging mapayapa sa pangkalahatan ang nasabing aktibidad.

Nagsimula ang Thanksgiving procession bandang alas-11:45 kagabi December 30 at natapos bandang 1:30 a.m. kaninang madaling araw December 31,2019.

Sinas3

Ayon kay Sinas, enhanced security approach ang ginamit nilang security template.
Giit ng heneral kaparehong security blueprint ang kanilang ipatutupad sa Trasclacion mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa Maynila sa Januray 9,2020.

Ibinunyag ni Sinas na nasa 10,000 mga pulis kasama ang mga tropa mula Joint Task Force National Capital Region, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Coast Guard and Task Force Quiapo, para mapanatili ang peace and order sa nasabing prosisyon.

Umabot lamang ng isang oras at 45 minuto ang prosisyon kung saan mas maiksi kumpara nuong nakaraang taon.

Ito ay dahil sa mga ipinatupad na bagong security plan ni BGen.Sinas.

Tinatayang nasa 70,000 devotees ang nakilahok sa Thanksgiving procession.