Ipinakita na sa publiko ang bagong sets ng mga korona para sa inaabangang Miss Earth 2023 ngayong taon.
Ayon sa Miss Earth organization, 4 sa bagong mga korona para sa Miss Earth at runners up ay gawa ng Long Beach Pearl n aisang jewelry company sa Vietnam.
Sa online post naman ng naturang kompaniya, sinabi nitong ang mga korona ay ginawa hango sa temang Connected Diversity- For the Common Planet bilang testamento sa pagkakaisa ng kalikasan at tao.
Dala-dala din ng mga koronang ito ang pag-marka ng journey para ipagdiwang ang Vietnamese beauty at origal connection nito sa nature.
Samantala, patuloy naman na gumagawa ng ingay ang pambato ng Pilipinas na si Yllana Marie Aduana mula ng magsimula ang preliminaries ng naturang pageant kung saan nanalo ito bilang MIss Earth 2023 Best Bikini, top 5 sa Best Appearance at nakasungkit din ng spot sa Top 12 Best National Costume category para sa kaniyang Maria Makiling inspired costume.
Nakatakdang idaos ang Miss Earth 2023 coronation night sa Disyembre 22 sa Saigon Exhibition and Convention Center.