-- Advertisements --

Nagkasundo ang karamihan sa residente ng Caloocan, na hatiin sa 6 na maliliit na barangay ang Barangay Bagong Silang o mas kilala bilang Barangay 176.

22, 854 sa mga residente ang nag “yes” habang nasa 2, 584 naman ang bumoto ng “no” base sa proclamation ng Barangay Plebiscite Board of Canvassers na sinaksihan naman ng Commission on Elections, noong gabi ng sabado.

Ang plebisito ay para pagtibayin ang republic act no 11993, na naging batas noong april 3, 2024.

Ang anim na maliliit na barangay na ito ay tatawaging barangay 176-A, barangay 176-B, barangay 176-C, barangay 176-D, barangay 176-E, at barangay 176-F.

Magkakaroon naman ang bawat barangay ng sarili nilang lokal na pamahalaan na pinamumunuan ng isang
‘chairperson’ o mas karaniwang tinatawag na barangay captain o kapitan.