-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng Tagum PNP kung sino ang nag-iwan ng isang bagong silang na bata na madamong bahagi ng Pagsabangan, Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa isang Je Ann Novita, kinagat na ng langgam ang nasabing bata ng makita ito ng residente na binalot pa ng lampin.

Nakasulat rin sa karton ang pangalan ng bata na si Baby Xavier Zeek.

Nanawagan ngayon ang otoridad kung may nalaman itong bagong nanganak sa nasabing lugar na agad makipag-ugnayan sa otoridad.

Nasa mabuti naman ang kondisyon sa bata ngunit patuloy na inoobserbahan ang kalagayan nito.