-- Advertisements --

CEBU – Mahaharap sa kasong Frustrated Infanticide ang mag-asawang nagtapon ng bagong silang na sanggol sa isang dumpsite sa bayan ng Liloan, Cebu noong Lunes, Hunyo 12.

Ito ang tinukoy ni PMSg Girlee Echaluce, WCPD ng Liloan Police Station, sa panayam nito sa Bombo-Radyo Cebu, na kanilang inaresto sina Vilma Jemes Sayre at Raul Taritas, live-in, dakong alas-11 ng gabi noong Lunes.

Batay sa inisyal na natuklasan ng pulisya, noong Lunes ng madaling araw ay isinilang ni Sayre ang bata at naniniwala siyang patay na ang sanggol, dahil hindi ito umiiyak tulad ng karamihan sa mga bagong silang.

Dagdag pa rito, ayon sa ina ng bata, ang kanyang kinakasama ang siyang nagtapon sa bagong panganak na bata.

Nabatid na dahil sa kahirapan, hindi na sumailalim sa pre-natal checkup ang ina matapos malaman na buntis ito sa ikaanim na anak.

Dagdag pa rito, na hindi anak nang kanyang kinakasama ang sanggol, at ang bata ay maaaring ‘aksidente’ noong nagtatrabaho siya bilang prostitusyon.

Nang malaman ng kanyang kinakasama ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, nagalit ito at naging dahilan na ito nang kanilang madala na pag-aaway.

Samantala, masaya ang pulisya na nasa mabuting kalusugan ang sanggol.