GENERAL SANTOS CITY – Mistulang ginabayan pa rin ng isang mabuting anghel ang isang bagong silang na sanggol matapos na itong natagpuan sa Barangay City Heights nitong lungsod ng Heneral Santos.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan inihayag ni Jake Tadol iniwan sa harap ng kanilang bahay ang lalaking sanggol na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan.
Sinabi nito, nagkaroon ng mga buhangin ang katawan ng sanggol habang mayroon pang pusod nang kanilang matagpuan.
Aniya, nagulat sila ng kanyang anak na isang midwife ng tumambad ang sanggol sa harap ng kanilang bahay na ipinatong sa sako ng semento.
Mayroon umanong nakakita sa isang babae at lalake na nag-iwan ng sanggol sakay ng traysikad.
Inamin nito na interesado silang ampunin ang bata matapos nilang binilhan ng feeding bottle at gatas.
Kaagad namang dumating ang social worker ng Barangay at hinanap ang bata ngunit ito ay dinala sa pagamutan upang masuri ng mga doktor.