-- Advertisements --

Isa na namang music milestone ang nakamit ng Billboard-nominated Filipino group na SB19.

Pasok nga sa World Digital Song Sales Chart ng Billboard ang kanilang viral hit na “Gento” na nag debut sa number 8.

Ang naturang chart ay nagtatala ng most downloaded songs sa buong mundo sa nagdaang weeklong tracking period.

Ang “Gento” ng SB19 ang panlimang OPM song na nakapasok sa nasabing Billboard chart. Kabilang sa listahan ang “Pusong Bato” ng Alon, “Amatz” ni Shanti Dope”, “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” ni Ice Seguerra, at “Tala” ni Sarah Geronimo.

Sa pwestong number 8, ang SB19 na nga ang highest-charting Filipino act sa World Digital Song Sales Chart.

Una ng kinilala ng Billboard ang five-member group na SB19 noong 2021 matapos silang makatanggap ng nominasyon para sa Top Social Artist Category ng Billboard Music Awards.

Sa kasalukuyan, meron ng halos 3 million views sa YouTube ang kantang “Gento”.