Inilunsad ngayon ng Bureau of Customs (BoC) bagong sistema para maiwasan ang kotongan at technical smuggling.
Ang online platform ay para sa tamang valuation ng mga imported products.
Ayon sa BoC, layunin ng web-based National Value Verification System (NVVS) na ipakita ang tamang halaga o value ng buwis na babayaran para sa isang partikular na commodity.
Sa ilalim ng bagong sistema, puwede nang i-verify ng mga assessment officers ng BoC ang idineklarang value ng imported product ng isang importer online.
Sa pamamagitan ng NVSS, malalaman na ang lugar na pinagmulan ng imported products maging ang presyo nito na ililista naman sa tinatawang na Harmonized System (HS) code.
Dagdag ng BoC, ang bagong sistema ay bilang pagsunod ng BOC sa Republic Act No. 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act.