DAVAO CITY – Isang kakaibang specie ng pitcher plant ang nadiskubrehan ng mga eksperto ng DENR Davao sa malayong lugar ng Mt. Candalaga, sa Maragusan, Davao de Oro.
Pinangalanan nila itong “Nepenthes candalaga”, ang ika-38 na species ng Nepenthes na makikita lamang sa Mindanao.
Maihahalintulad ito sa “Nepenthes justinae” na nadiskubrehan sa Mt. Hamiguitan sa Davao Oriental.
Ngunit may taas na concentration ang nasabing bagong pitcher plant dito sa bansa.
Idineklara rin ito bilang Critically Endangered base sa guidelines ng International Union for Conservation of Nature.
Nadiskubrehan ito kasama ang mga researchers mula sa Central Mindanao University na inilabas ni Noel Lagunday, na syang nanguna sa biodiversity expedition ng ahensya noong April 30 hanggang May 3, 2021.
Maliban sa “Nepenthes Candalaga”, makikita rin sa Mt. Candalaga ang iba’t-ibang mga species ng mga bulaklak at puno.