Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price (SRP) guide bukas, Huwebes, Pebrero 6.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo sa 62 shelf-keeping units o items for sale.
Kabilang dito ang ilang brands ng sardinas, canned meat, evaporated milk, Pinoy tasty at Pinoy pandesal. Inaasahan din na tataas ang mga presyo ng mga kandila at baterya.
Ayon naman kay DTI Assistant Secretary Agaton Uvero, tinatayang nasa 2% hanggang 9% ang inaasahang umento sa presyo.
Ipinaliwanag naman ng opisyal na pinayagan ang taas presyo sa naturang mga produkto matapos ang masusing pag-aaral.
Una rito, kabilang din ang DTI sa naging daan upang mabuo ang suggested retail price para sa bigas at iba pang bilihin, lalo na ang mga pagkain.