Pormal ng binuksan at pinasinayaan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang isa sa bagong health center na matatagpuan sa Barangay Lower Bicutan.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang bagong health center ay mayruong air conditioning units, water supply, electrical supply, at generator sets para mas maging komportable ang mga constituents sa pagtungo nila sa health center.
Nais kasi ni Mayor Lino, na magbigyan ng mas madaling serbisyo ang mga Taguigeños lalo na sa City’s health-centric initiatives and programs.
Ang Lower Bicutan Health Center ay may mga kwarto para sa ibat-ibang medical services gaya ng Consultation Rooms, Treatment Rooms, Prenatal & Family Planning Rooms, Breastfeeding Rooms, Animal Bite Rooms.
Mayruon din Doctor-on-Call office na mag-operate ng 24/7 para umasiste sa mga residente lalo na sa health-related concerns and inquiries.
Bukod pa sa nagpapatuloy na COVID-19 curbing initiatives ng siyudad, patuloy naman ang pamahalaang siyudad sa pagbibigay ng quality and accessible health services kabilang ang TB-Dots, free house-to-house delivery ng mga gamot ng mga Barangay Health Workers (BHWs).
Nakatakda din buksan ng Taguig City ang ika-apat na Super Health Center sa Barangay Ligid-Tipas kung saan mayruon na itong laboratory, Birthing Room, at Consultation and Examination Room.
Dalawa pang health centers ang nakatakdang buksan din sa Barangay Central Signal at Barangay Ibayo-Tipas na mayruong TB-DOTS area, Sputum Collection Area, Dental Clinic, Consultation Room, Animal Bite Room, at Pre-natal & Family Room.
“Taguig is active in providing Taguigeños the health services they deserve and continues to expand its programs for everyone especially amid the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.
Kamakailan lamang pinangunahan din ng pamahalaang lokal ang week-long Taguig Healthcon 2022 na nagsilbing one-stop event.
Isa kasi sa priority ni Mayor Lino ay ang pagpapatupad ng mga programa na magpa buti pa sa kalusugan at well-being ng mga Taguigeños.