-- Advertisements --
Nakatakdang maglabas ng bagong wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng Region 4A.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, na sa mga susunod na araw ay maaaring maipalabas na ito.
Huling nagkaroon ng wage hike ang Calabarzon ay noong Setyembre 2023 kung saan nabigyan sila ng mula P35 hanggang P50 na dagdag sa daily minimum wage.
Nagpapatuloy aniya ang ibang rehiyon na inaaral ang minimum wage rates na posibleng matapos sa mga susunod na linggo.
Magugunitang una ng nagpatupad ang dagdag na sahod sa National Capital Region noong Hulyo 17.
Ang nasabing kautusan ay mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong dumalo ito sa pagdiriwang ng Labor Day noong Mayo.