-- Advertisements --

Nanindigan ang bagong talagang Commander ng United States Indo-Pacific Command na si Admiral Samuel Paparo na handa ang buong hukbo ng US military na depensahan at ipagtanggol ang buong Indo Pacific Region.

Sa gitna ito ng mga banta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng mga agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang talumpati bilang bagong pinuno ng Indo-Pacific Command ay ipinunto ni Admiral Paparo ang kinakaharap na suliranin ngayon ng mundo na dulot ng mga aksyon ng China.

Aniya, dahil dito ay dapat na palagiang nakahanda ang kanilang hukbo na sagutin ang tumataas at lumalawak na claims ng China sa Indo-Pacific Region.

May kaugnayan pa rin ito sa nga claim ng China sa West Philippine Sea at naging sa kabuuang karagatan nito na nag o-overlap naman sa territorial claims hindi lamang ng ating bansa kundi maging sa mga bansang Vietnam, Malaysia, at Brunei.

Dahil dito ay muling ipinangako ni Admiral Paparo na nakahanda sila para dumipensa laban sa anumang tangkang pagsira sa kapayapaan sa rehiyon na sa ilalim ng international rules-based order