-- Advertisements --

Nakatakdang manumpa ngayong hapon ang bagong talagang Presidential Communications Office (PCO) Secretary si Cezar Chavez.

Alas-2:00 ng hapon nakatakda ang panunumpa ng bagong kalihim ng PCO.

Si Chavez ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang kapalit ni Secretary Cheloy Garafil na nagbitiw sa pwesto.

Si Chavez ay dating undersecretary for railways at ikatlong kalihim ng PCO sa ilalim ng Marcos administration.

Bago ang kaniyang appointment bilang PCO secretary siya ay Presidential Assistant for Strategic Communications.