Umapela ang bagong itinalagang Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa kanyang mga kritiko na bigyan siya ng pagkakataong gampanan ang kanyang bagong trabaho.
Ayon kay Gatchalian, nakikiusap siya sa bigyan siya ng oras upang makapagperform o magampanan ang kanyang bagong puwesto.
Kinumpirma ng MalacaƱang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gatchalian na pamunuan ang Department of Social Welfare and Development.
Itinalagasa posisyon si Gatchalian sa Gabinete dahil umano sinuportahan niya si Marcos sa presidential bid noong taong 2022.
Kaya naman, iginitt niya ang kanyang 15 taong karanasan sa serbisyo publiko.
Kung matatandaan, si Gatchalian ay bumalik sa House of Representatives noong Mayo ng nakaraang taon matapos tumakbo sa Kongreso para sa unang distrito ng Valenzuela.
Una na rito, ang appointment ni Gatchalian ay kailangan pa ring kumpirmahin ng makapangyarihang Commission on Appointments sa Senado.