-- Advertisements --

CEBU CITY – Naging emosyonal si Cebu City Police Office Director, P/Col. Royina Garma nang nagpasalamat ito sa mga Cebuano sa suportang kanilang ibinigay sa kanyang paglingkod sa siyudad bilang head ng CCPO.

Ito’y matapos itinalaga ni Presidente Rodrigo Duterte si Garma bilang bagong General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Garma, sinabi nito na napakaganda ng Cebu City kaya hinikayat niya ang bawat isa na huwag hayaang sirain ito ng mga masasamang loob.

Hindi lang umano trabaho ng mga pulis ang pagpigil sa iligal na droga kundi kailangan din ang kooperasyon ng komunidad bagay na gusto nitong maiintindihan ng publiko.

Sa katunayan ay nasasayangan pa umano si Garma dahil marami pa sana siyang gustong gawon sa CCPO para sa illegal drugs campaign.

Samantala, handa rin umanong suportahan ng bagong CCPO Director na si P/Col. Roderick Mariano ang mga programang sinimulan ni Garma.

Tiniyak ni Mariano na gagawin nito ang lahat para maging matiwasay ang lalawigan ng Cebu at mapanatili ang karapatang pantao.