-- Advertisements --

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na buo ang kanilang suporta sa bagong liderato ng Presidential Security Command.

Ito rin ang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr.

Layon ng hakbang na ito na mapanatili ang pinakamataas na antas ng seguridad para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr at sa buong republika ng Pilipinas.

Ayon kay Gen. Brawner, mahalaga ang ginagampanang papel ng Presidential Security Command sa kabila ng mga pagbabago sa mga kinakaharap na hamon sa seguridad ng Pilipinas.

Kaugnay nito ay hinihikayat ng opisyal ang mga tauhan ng PSC na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Si Brigadier General Peter Burgunio ang pumalit na bagong hepe ng PSC na pumalit kay Major General Jesus Nelson Morales.