-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Upang maayos na makapagbigay ng serbisyo sa mamamayang Cotabateños, pormal na isinagawa ang blessing ng magiging bagong tanggapan ng Department of Social Welfare and Development-Crisis Intervention Unit (DSWD-CIU) sa probinsya ng Cotabato.

Ang nasabing opisina ay matatagpuan sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City kung saan bukas ito sa pagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na maaaring mapakinabangan ng mga mamamayan ng probinsya tulad ng transportation assistance, medical assistance, burial assistance, educational assistance, food assistance for individual and families, at cash assistance for other support services.

Nagpasalamat naman si DSWD Regional Director Loreto V. Cabaya kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagbibigay nito ng opisina sa loob ng kapitolyo upang mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa nangangailangang Cotabateños.

Ang naturang blessing ay pinangunahan ni Our Lady of Fatima, New Cebu President Roxas Parish Priest Rev. Fr. Jonel Peroy, DCK kasama sina Provincial Administrator Aurora P. Garcia, Social Welfare Officer III Julieta F. Clavel, RSW, Provincial Legal Officer Atty. John Haye Deluvio at iba pang kawani ng PGO at DSWD-CIU.