-- Advertisements --

brigade

Pinagana na ng Joint Task Force Sulu ang isa pa nitong bagong tatag na Army Brigade bilang dagdag sa kasalukuyang puwersa.

Layon nang pagbuhay sa isa pang army brigade ay para mapalakas pa ang kanilang pwersa para labanan ang terorismo at iba pang mga criminal activities sa probinsiya at karatig probinsiya.

Pinangunahan mismo ni JTF Sulu commander M/Gen. William Gonzales ang activation ceremony ng 1103rd Infantry Brigade at si Col. Eugenio Boquio ang itinalagang commander.

Ayon kay Gonzales, ang 11th Infantry Division na nakabase sa Sulu ay mayroong tatlong army brigade at isang marine brigade.

Sinabi ni Gonzales ang pagbuo ng bagong army brigade ay isang hakbang patungo sa pagbabago at pagpapanatili ng peace and order sa probinsiya.

brigade2


Ang 1101st Brigade ang siyang nagbibigay seguridad sa southern portion ng 1st District ng Sulu, ang 1102nd Brigade naman ay nakapokus sa Patikul area, ang 4th Marine Brigade naman ay nakatutok sa buong 2nd district ng Sulu.

Ayon sa heneral, pagkakataon din ito para sa mga kababayan nating Tausog na nais maging sundalo.

Nakatakda pang tukuyin kung saang lugar sa probinsiya ide-deploy ang 1103rd brigade.

Target ng militar na ang mga Tausog recruits ang magiging priority sa assignment sa bagong buong army brigade na siyang nakakaalam ng kanilang mga lugar.

Dahil sa pinalakas na kampanya laban sa terorismo, kahapon nasa siyam na mga babaeng hinihinalang suicide bombers ang inaresto sa joint operation ng AFP at PNP sa magkakahiwalay na operasyon.

Samantala, ayon naman kay JTF Sulu spokesperson 1Lt Jerrica Angelica Manongdo, ginagawa ng militar ang lahat para magkaroon na ng pangmatagalaang kapayapaan sa Sulu para magtuloy tuloy na ang kaunlaran sa probinsiya.