-- Advertisements --

Hindi pa makumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung mayroong bagong tatag na grupo na umusbong ngayon sa Mindanao.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, kinukumpirma pa nila ang pagkakabuo ng Maranao Victims Movement – ang grupo na sinasabing pantapat sa mga teroristang Maute.

Paliwanag ni Arevalo, titingnan nila kung may mga kinakatawan nga ba ang naturang grupo, dahil posible aniyang pakana lang ito ng mga tao na gustong guluhin ang peace restoration sa Marawi.

Pahayag ni Arevalo, kanila ring inaalam kung may koneksyon ang MVM sa mga Maute, Abu Sayyaf ay iba pang terror group na nag-o-operate sa Mindanao.

Matatandaang lumutang ang isang video sa internet ng armadong grupo na nagpakilalang sila ay mga armadong Maranao evacuees mula Marawi City.

Sa 14 na minutong video, sinabi ng bagong grupo na ang pag-usbong nila ay para ipagplaban ang karapatan ng Bangsa Meranaw na napapabayaan na umano dahil sa umiiral na bakbakan.

Iginiit ng nasabing grupo na tutol sila sa paggamit ng Marawi City bilang sanctuary ng Maute group na naging dahilan sa pagdurusa ngayon ng mga Maranao.

Panawagan ng bagong tatag na grupo, hayaang makabalik ang mga sibilyan sa kanilang mga tahanan na cleared na ng militar.

Nais din nila na ihinto ang aerial bombing at pang aabuso ng nga police at military personnel sa checkpoints lalong lalo na sa mga kababaihan.