-- Advertisements --

Tinambakan ng Boston Celtics ang Philadelphia Sixers sa score na 135-87.

Hindi nagpaawat si Jalen Brown nang magbuhos ng 26 points sa first half pa lamang sa kanyang kabuuang 29 points.

Ito na ang ika-siyam na sunog na panalo ng Boston na meron ng 34-26 record.

Kaugnay nito, hindi rin naman nagpahuli sa kanyang performance si Jayson Tatum na kumamada ng 28 points, 12 rebounds at six assists.

Nataon pa na ang pagpahiya sa Sixers ang siya ring araw na pormal na ipinakilala ng 76ers management ang bago nilang miyembro na NBA superstar na si James Harden.

Hindi pa rin nakakalaro si Harden dahil sa pagpapagaling sa injury.

Ang nakuha rin ng Sixers (34-23) sa trade na veteran na si Paul Millsap ay naglaro na rin sa 4th quarter na nag-ambag ng nine points.

Samantala ang MVP frontrunner na si Joel Embiid ay inalat din na meron lamang 19 points at 9 rebounds.