Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, ang mga nasabing pasahero ay sasailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw sa bansa, maliban na lamang kung ang isang pasahero ay magpapakita ng sintomas ng COVID-19 ng mas maaga habang nasa quarantine.
Matapos mag-negatibo ang resulta ng pasahero, ieendorso na ito sa uuwiang local government unit kung saan nito kokompletuhin ang 14-day quarantine at mahigpit itong imo-monitor ng LGU.
“Arriving passengers, regardless of their origin, shall be required to undergo facility-based quarantine upon arrival. They shall then undergo RT-PCR test on the fifth day from their date of arrival in the country, unless the passenger shows symptoms at an earlier date while on quarantine. Once a passenger tested negative, the passenger shall be endorsed to the local government unit of destination where the passenger shall continue the remainder of the fourteen-day quarantine under the strict monitoring of the LGU,” ani Sec. Roque.