Inilunsad ngayong umaga ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang bagong text hotlines para ireport ang mga tiwaling police.
Si PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde ang panauhing pandangal sa paglulunsad na isinagawa sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Ayon Kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, ang mga bagong hotlines ay bilang pagsulong ng internal cleansing program sa kanilang hanay.
Nito lamang nagdaang araw, nahuli ang 3 bagitong pulis ng Manila Police District (MPD) na nagpanggap na taga PDEA para maka-pangikil ng pera sa kanilang mga biktima.
Hinimok ni Eleazar ang publiko na gamitin ang mga bagong hotlines para sa pagsumbong hindi lang ng mga pulis na involved sa illegal na gawain, kundi maging mga pulis na mapang-abuso sa pag ganap ng kanilang tungkulin at mga tatamad-tamad.
Maaring I-text ng mga mamayan ang kanilang sumbong sa 0915-888-81-81 para sa globe at 0999-901-81-81 para sa smart, para maaksyunan ng Team NCRPO.