-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binuksan na sa publiko ang panibagong tourist spot sa probinsya ng Cotabato.

Nanguna si Cotabato Vice-Governor Emmylou ”Lala” Taliño Mendoza at dating Pigcawayan Mayor Eliseo “Jun” Garcesa Jr. sa pormal na pagbubukas ng Happy Valley inland resort sa Sitio Lampaki, Barangay Kimarayag, Pigcawayan, North Cotabato.

Bisita rin sina Cotabato Senior Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva, BM Rosalie “Rose” Cabaya, dating BM Loreto “Nonoy” Cabaya, Pigcawayan Vice-Mayor Totoy Agustin, mga SB Members na sina Helen Garcesa, Rolly Dellira, Cirilo Gomobar, Kimree Gonzaga, Noel Egaran, mga barangay kapitan, mga negosyante at buong pamilya ng nagmamay-ari ng resort na sina Ramon Quinco at Nene Kryss Egaran Quinco.

Napakaganda ng Happy Valley dahil nasa taas ito ng bundok, sariwa ang hangin,sobrang lamig tuwing gabi at kitang-kita sa baba ang magagandang tanawin sa probinsya.

Ayon kay VG Mendoza na malaking tulong ang pagbubukas ng Happy Valley sa pag-angat ng ekonomiya sa bayan ng Pigcawayan at sa probinsya ng Cotabato.

Ngunit kailangan lamang anyang matiyak na masusunod ang health protocols kontra Coronavirus Disease (COVID-19).

Tuloy-tuloy ang pagtulong ng serbisyong totoo para mapalago pa o umusbong ang turismo sa probinsya.

Ang patuloy na pag-unlad ng turismo sa North Cotabato ay ang resulta raw ng mga kampanyang gawa ng pamahalaang lokal para maitaguyod ang mga naturang destination sites.

Kabilang din ang mga mamamayan na nagiging mas responsable sa kalikasan.

Sa ngayon bawat isa ay may ginagampanang papel sa pag unlad at pag usbong ng turismo.

Dagdag ni Mendoza na maraming mga tourist destination sa probinsya ang kilala na sa buong bansa kagaya ng Asik-Asik Falls sa bayan ng Alamada at maraming iba pa.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ang health protocols sa pagpasok sa iba’t-ibang tourist spot sa North Cotabato ngayong holiday season.