-- Advertisements --

Nakatakdang dumating sa unang linggo ng Setyembre ang mga bagong train ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7) sa bansa.

Ang mga trains ay kinabibilangan ng anim na bagon ay nabili ng gobyerno sa Hyundain ROTEM Company sa South Korea.

Layon ng 22 km MRT-7 project na mabawasan ang oras ng biyahe mula North Avenue sa Quezon City patungong San Jose Del Monte, Bulacan na dati-rati ay nasa 2-3 oras na biyahe ay magiging 35 minuto na ito.

Mayroon itong 14 stations na kayang mag-accomodate ng hanggang 850,000 pasahero kada araw.