-- Advertisements --

Nagdagdag kaagad ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 1 ng isang tren ngayong araw.

Ito ay bilang tugon sa kasagsagan ng tigil pasada na ikinasa ng transport group na MANIBELA.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, nilayon nito na umalalay sa mga pasaherong apektado ng transport strike.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng kalihim matapos ang namonitor na sitwasyon sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ipinag-utos rin ng kalihim na dagdagan ang mga byahe ng EDSA Bus Carousel ng sa gayon ay walang maabalang pasahero.

Patuloy naman ang panawagan ng DOTr sa Manibela na bumalik na sa pakikipag negosasyon upang pag-usapan ang kanilang mga request at hinaing.