BUTUAN CITY – Tuluyan nang nanumpa sa kanyang katungkulan sa punong barangay ng Anticala nitong lungsod ng Butuan si University of the Philippines o UP President Atty. Angelo ‘Jijil’ Jimenez kahapon.
Ang kanyang panunumpa sa harapan mismo ni Kapitan Antonio Masamayor ay sinaksihan ng mga netibo sa nasabing lugar na matagal na umano niyang pinaplano.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Jimenez na alam niyang mayroon pang mas qualified sa kanya na maging presidente ng UP ngunit dahil sa grasya umano ng Panginoon kung kaya’t ibinigay ito sa kanya.
Marami na umano siyang natutunan sa buhay at dahil sa kanya ibinigay ang naturang posisyon ay kanya itong paglilingkuran ng buong puso dahil hindi lamang umano ang kanyang pangalan at dangal ang nakasalalay dito kundi pati na ang kanyang hometown na Butuan City.
Sinamahan si Jimenez ng kanyang entourage na kinabibilangan nina Executive Vice President Pepe Alcantara, UP Chairman at dating National Food Authority o NFA Administrator Renan Dalisay, UP Men’s Basketball Team Manager at dating Customs Deputy Commissioner Atty. Ags Uvero, pati na ng kanyang mga ka-anak.