-- Advertisements --

Nagsagawa ng inauguration ng Manila International Airport Authority (MIAA) para sa newly repaired at upgraded Taxiway Charlie sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ang naturang inauguration ay dinaluhan nina DOTr Sec. Arthur Tugade, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Jim Sydiongco, Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Office para kay Transportation Security Administrator Raul Del Rosario, at Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla bilang bahagi na rin ng programang “Build, Build, Build” ng administrasyong Duterte.

Ang pag-upgrade sa airside facilities ay titiyakin ang mahusay na paggamit ng runway at ma-improve ang kaligtasan dito dahil sa mabilis na pag-alis sa runway ng mga aircraft patungo sa mga terminals.

Sa ngayon ay maaari nang tumanggap ng mas maraming arrivals at departures sa bansa ang mga pangunahing gateway nito sa lungsod ng Pasay at Paranaque araw-araw dahil sa mas mabilis pang paggalaw ng mga aircraft sa runway patungo sa tarmac.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga newly upgraded taxiway ay magbibigay-daan sa mga large type aircraft, tulad ng Boeing 777, isang mas maayos at mas mabilis na pagmamaniobra patungo sa parking bay o sa mga pangunahing runway.

Napagdesisyunan na ayusin at i-upgrade ang taxiway para sa mas ligtas na operasyon ng sasakyang panghimpapawid nang makumpirma ng mga kinauukulan ang kawalang-tatag at distress sa mga pavement nang magsagawa ng inspeksyon sa site ang mga ito mula sa Taxiway Charlie 1