-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Iginalang ng Philippine Army ang petisyon ng isang local political line up na naglalayong ipa-recall ng Armed Forces of the Philippines ang bagong upo na commander ng 4ID,Philippine Army na nakabase sa Camp Edilberto Evangelista,Cagayan de Oro City.

Ito ang tugon ni 4ID spokesperson Lt Col. Francisco Garello Jr ukol sa recall petition na inihain ni dating district 2 congresswoman Juliette Uy ng Misamis Oriental laban kay Brig Gen Michelle Anayron Jr sa tanggapan ng AFP at Commission on Elections sa Northern Mindanao.

Sinabi ni Garello na hindi inilagay si Anayron sa bagong katungkulan na walang basehan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil dumaan ito sa tamang proseso na mismong hinimay ng board of generals ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Nag-ugat ang reklamo ng dating mambabatas dahil tumakbo na municipal mayor ng isang munisipyo ng lalawigan ang ama ng heneral na si Atty.Michelle Anayron Sr na ka-line up ni incumbent Provincial Governor Peter Unabia.

Iginiit ng grupo na mabuti nang maaga na mapigilan ang posibleng pangingialam ng heneral kaysa wala umano silang gagawin bago ang May 12 elections.

Magugunitang iginiit nila na hayagang conflict of interest ang kinasangkutan ng mag-ama kaya kanilang inaksyonan.