![image 173](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2023/08/image-173.png)
Nangako si Lieutenant General Roy Galido na proprotektahan niya ang kapakanan ng mga sundalong kasapi ng Philippine Army.
Ginawa ng Heneral ang pahayag, kasunod ng panunumpa niya bilang bagong pinuno ng Hukbong Katihan ng Pilipinas o Philippine Army.
Ayon kay Lt. Gen Galido, tututukan niya ang kapakanan ng bawat sundalo, kasabay na rin ng pagtutok niya sa disiplina ng bawat miyembro ng Hukbong Katihan.
Ang disiplina aniya ang nagsisilbing pundasyon ng pagtitiwala sa mga unipormadong hanay, kayat mahalagang matutukan ito.
Nangako rin ang heneral na kanyang pangungunahan ang recalibration ng buong Phil Army, upang makapag-pokus sa national security operations, kasabay ng pagtutok pa rin nito sa ibang sektor, lalo na ang territorial defense ng bansa.
Ayon sa pinuno ng Phil Army, tututukan din niya ang maayos at masusing paggamit sa mga financial assets ng hukbo, kasama na ang logistics, manpower, at ang kabuuang pwersa ng HukbongKatihan.