-- Advertisements --
Naitala ng Argentina ang unang kaso ng dalawang Brazilian variants ng coronavirus.
Sinabi ni Argentina Minister of Health Ginés González García, na ang Amazona P1 variant ay unang na-detect sa pasahero ng Rio de Janeiro habang ang P2 variant ay nakita sa dalawa pang travelers.
Agad nilang ini-isolate ang mga nasabing mga nakitaan ng bagong variant ng virus.
Kasalukuyang sinimulan na ng Argentina ang kanilang vaccination program gamit ang Sputnik V vaccine ng Russia.
Mayroon kasing halos 2 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa at 49,171 dito ang nasawi.