-- Advertisements --
Tinawag na ngayon ng World Health Organization (WHO) ang bagong COVID-19 variant na B.1.1.529 bilang “Omicron”.
Ayon sa WHO, itinuturing nila ito bilang “variant of concern”.
Ang nasabing bagong variant ng COVID-19 ay unang nadiskubre sa South Africa kung saan aabot na sa 100 katao ang mabilis na dinapuan nito.
Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nagpatupad ng travel restrictions dahil sa nasabing banta ng “Omicron” na umano’y mas nakakahawa at makapaminsala kumpara sa Beta at Delta variants.