-- Advertisements --

Hindi na gaanong malala ang BA.2 variant ng Omicron coronavirus strain kung ikukumpara sa orihinal na strain.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na tulad ng Omicron ay wala silang nakikitang matinding epekto nito.

Gaya aniya ng BA.1 ay mabilis din ito nakakahawa subalit walang matinding epekto ito.

Pagtitiyak ng WHO na may ilang mga pag-aaral pa silang ginagawa para sa nasabing bagong strain ng Omicron.