-- Advertisements --

Nakapagtala ng mga panibagong bilang ng mga bagong COVID-19 variants ang Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH mayroong 170 UK variant cases, 192 South Africa variant cases, 19 Philippine variant cases at isang Brazil variant case.

Dahil dito ay mayroon ng 392 na UK variant cases ang naitala sa bansa, 244 naman ang South Africa variant , 123 sa Philippine variant at dalawa ang Brazil variant.

Sa nasabing bilang ng UK variant case ay dalawa na nag nasawi habang 168 naman ang gumaling na, dalawang kaso naman ang aktibo na dinapuan ng South African variant kung saan tatlo na ang nasawi at 187 ang gumaling na.

Lahat naman ng kaso ng 19 Philippine variant cases ay gumaling na.

Dahil sa nasabing pagtaas ng bilang ng mga nadadapuan ng bagong variant ng COVID-19 ay patuloy ang panawagan ng DOH na obserbahan ang minimum public health standards para maiwasan ang pagkakahawaan.