-- Advertisements --

Nagsimula na sa Amoranto Sports Complex, Quezon City ang pagbeberipika ng mga na-imprentang mga balota mula sa National Printing Office (NPO). Ito ang bagong itinalaga ng Commission on Elections (COMELEC) upang maging dagdag na espasyo para sa manual at machine verifications ng mga balota. Samantala, tinyak din ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang publiko na malabong mangyari ang mga naglipanang mga modus na ‘sure win’ na umano ngayong eleksyon dahil sa kanilang iba’t ibang pamamaraan.

Ipinahayag ni COMELEC Chairman Garcia na dahil sa dagdag na verification area na ito, aabot na sa 1M kada araw na mga balota ang mabeberipika ng komisyon, mas mataas ito kumpara sa 600,000 kada araw noong area pa lamang ng National Printing Office (NPO) ang ginagamit sa pagbeberipika. Sinigurado rin niya na ang bagong espasyo na ito ay secured ito mula sa mga banta. Aniya, may mga security silang tinalaga sa naturang lugar at bawal makapasok ang sinoman sa area.

Dagdag pa ni COMELEC Chairman Garcia, nasa 200 machines na ang gumagana sa Amoranto Sports Comples . Ang pagbeberipika ay dadaan sa dalawang proseso: manual at machine verification. Sabay ng nangyayari ito, bago ipasok sa machine, titignan muna nang mabuti ng mga human verifiers ang mga balota.

Aniya, ang basehan sa pagbeberipika, kapag hindi na ito tinanggap ng machine at kahit hindi ito nakita ng mga verifiers, automatic rejected na ang mga balota. Samantala, kapag sa mismong human verifiers pa lang ay nakita na ang konting dumi o smudges, hindi na ito papadaanin pa sa machine.

Sa kasalukuyan, 27M na mga balota ang naiimprenta o 36% na ng kabuuan ang natatapos ng poll body at nasa mahigit 4M naman ang mga tapos ng ma-beripika o mga good ballots, ibig-sabihin, ito ay maaari ng maipadala at magamit sa halalan.