-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na sa lalong madaling panahon ay epektibo at sisimulan na ang visa requirement ng mga Chinese nationals na papasok sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesmam Salvador Panelo, bahala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa magiging proseso ng implementasyon ng bagong patakaran matapos aprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa Cabinet meeting.

Kasabay nito, inamin ni Sec. Panelo na isang paraan sa pag-assert ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa ang bagong disensyong isinusulong ng DFA.

Ayon kay Sec. Panelo, sa Cabinet meeting kagabi, iprinisinta ni Foreign Affairs Sec.Teddyboy Locsin ang bagong disenyo ng Philippine Visa na kinatatampukan ng mapa ng Pilipinas kasama ang mga inaangking teritoryo sa South China Sea.

Ngayong taon plano ng pamahalaang maipatupad ang bagong disyenyong ito ng Philippine Visa na maaring pairalin din sa ibang banyaga.