Walang naging aberya sa isinagawang test run sa bagong automated voting machines (AVMs) na gagamitin para sa 2025 midterm elections na isinagawa sa Rizal College of Taal, Batangas.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, napakaganda ng performance ng bagong Automated Counting Machines.
Pinasubok din aniya ito sa mga guro, mag-aaral at ilang opisyales ng pamahalaan at naging maayos ang sistema ng bagong mga makina.
Kumpara aniya sa dating VCMs at Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines ng Smartmatic, mas mabilis ang automated counting machines at may mas magandang features.
Ang isa sa feature ay ang napakabilis na pagbasa ng makina na nasa 200 mm per second kumpara sa dati na 70 mm per second.
Gayundin, may malaking screen kung saan makikita na ng botante ang imahe ng balota at kung paano binilang ang kaniyang boto bukod pa sa hawak na mas malaking resibo.
Isa pa sa pinakamahalagang features ng bagong ACMs ay pagkatapos ng botohan, nakapagimprenta na ang Comelec ng unang 8 election returns, nakapag-transmit na rin ng resulta at ang naimprentang 22 election return ay ipapakita sa malaking screen.