SEOUL – Nagsagawa ng test firing si North Korean leader Kim Jong Un sa kanilang panibagong uri ng tactical guided weapon na naglalayong palakasin ang kanilang nuclear capabilitites.
Ayon sa ulat ng state news agency ng North Korea ngayong araw ng Linggo, nabatid na ang bagong uri ng tactical guided weapon system ay mayroong “great significance” sa pagpapabuti sa firepower ng kanilang frontline long-range artillary units.
Hindi naman binanggi na ng KCNA kung kailan isinagawa ang test firing na ito.
Ang latest launch na ito ay nangyari wala pang isang buwan matapos na bumalik ang North Korea sa testing sa kanilang intercontinental ballistic missles sa unang pagkakataon mula noong 2017.
Maging ang mga opisyal mula sa Seoul at Washington ay nagsabi na mayroong pangitain na magkakaroon nga nang mga testing sa mga nuclear weapons sa mga susunod na araw. (Reuters)