-- Advertisements --

Posible nang matunton ng mga otoridad ang lokasyon o bagsakan ng mga smuggled products na pinapasok sa bansa.

Ayon kay philippine ports authority general manager jay santiago ito ay dahil sa kanilang bagong high tech system na trusted operator program – container registry and monitoring system o top crms.

Paliwanag ni santiago – ang nasabing sistema gumagamit ng global positioning tracker system dahilan para matukoy kung saan idedeliver ng mga registered truckers ang mga kargamento nito.

Sa pmamagitan aniya nito ay kaya ng matunton ng mga otoridad kung saan ang warehouse ng mga pinaghahanap o pinagduduhang kargamento.

Madalas kasi aniya na gumagamit ang mga Smugglers ng pekeng address at consignee para ilusot sa pantalan ang mga kargamento

inaasahang maipapatupad ang top crms ng ppa ngayong una o hanggang ikalawang bahagi ng 2023.