-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng baguhang aktres na si Gillian Vicencio ang pagkakadawit niya sa pinag-uusapang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakiusap ang aktres sa publiko na wag siyang idamay at irespeto ang privacy nina Kathryn at Daniel na kapwa niya nakasama sa isang primetime series noong 2022 na 2 Good 2 be true na pinagbidahan ng Kathniel at kasama din ni Kathryn sa pelikulang A Very Good Girl.

Nakaladkad ang pangalan ni Gillian sa kontrobersyal na hiwalayan ng Kathniel matapos na pangalanan siya ng ilang internet users na isa umano sa dahilan ng hiwalayan ng Kathniel.

Sinusugan naman ng sikat na event host na si DJ Jhaiho ang claim ni Vicencio at iginiit na inosente si Gillian.

Nadawit din ang aktres na si Andre Brillantes sa kontrobersiya subalit walapang inilalabas na pahayag sa ngayon ang aktres hinggil sa isyu.

Matatandaan na kapwa kinumpirma ng Kathniel sa magkahiwalay na post sa kani-kanilang social media acoount na hiwalay na sila noong Nobiyembre 30 matapos ang 11 taong relasyon.