-- Advertisements --

Kung Metro Manila beauties ang nangibabaw sa Swimsuit Challenge nitong araw ng Lunes, bumawi naman ngayon ang mga pambato mula sa iba’t ibang lalawigan pagdating sa fashion and runway challenge ng Miss Universe Philippines 2022.

Ito’y matapos manguna ang kinatawan ng Baguio na si Ghenesis Latugat sa kanyang catwalk skills o ‘yaong pagrampa. Kasama nito sa Top 3 si Chantal Schmidt ng Cebu City at Angelica Lopez ng Palawan.

Kung maaalala, wagi sa Swimsuit Challenge na ibinase sa public votes at desisyon ng mga hurado ang Taguig beauty na si Ma. Katrina Llegado, Kasama nito sa Top 3 sina Michelle Dee ng Makati at si Celeste Cortesi ng Pasay.

May tiyansa pa naman ang mahigit pa sa 40 kandidata na manguna sa iba pang pre-pageant events gaya ng headshot at intro video, and swimsuit competitions.

Sa darating na April 30, magpapatalbugan ang 50 kandidata ng Miss Universe Philippines para sa koronang ipapasa ni Beatrice Luigi Gomez at siyang magiging sunod na kinatawan ng bansa sa Miss Universe.