-- Advertisements --

Ipinagutos ng mga awtoridad ang pagbabawal ng pagpunta sa palengke nang naka shorts at naka sando bilang precautionary mesure laban sa COVID-19.

Ito’y isang hakbang upang di madapuan ng nasabing infectious disease ang mga residente ng Baguio City

Iminumungkahi ng local government ng Baguio na magsuot lamang ng mga long sleeves, pantalon at sapatos tuwing lalabas upang mamalengke.

Samantala wala pang naidagdag na kaso ng COVID-19 sa lungsod at dalawa na lamang ang active cases sa mga ito at 12 na ang nakarekober sa sakit.