BAGUIO CITY – Bubuo ang lokal na pamahalaan ng Baguio City at ng Mindanao Development Authority (MinDA) ng economic enterprise.
Ayon kay dating Agriculture Secretary at ngayon ay MinDA Chief Emmanuel Piñol, layunin nito na mapatibay ang barter exchange trading ng Mindanao at Baguio City.
Kasunod ito nang matagumpay na kauna-unahang MinDA Fruit Festival sa Baguio City kung saan mabilis na naibenta sa City of Pines ang 22 tonelada ng iba’t-ibang prutas mula Mindanao.
Ayon kay Piñol, sa pamamagitan ng economic enterprise ay mas mapapabilis ang pagbebenta ng mga vendors sa Mindanao sa kanilang produkto dahil tatlong entities na lamang ang makikibahagi sa transaksiyon at wala nang magsisilbing middleman.
Idinagdag ng MinDA chief na isa sa mga nagpapataas ng presyo ng mga produkto ay ang pagkakaroon ng middleman sa isang transaksiyon.