-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Baguio City sa P200 million na inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, gagamitin ang pondo sa pagtatayo ng 911 Command Center (phase 1) ng Baguio City Disaster Risk Reduction Management Office Building.
Layunin na ang 911 command center ay maging unified communication center para mabigyan ang mga mamamayan ng mga tumpak na impormasyon.
Suportado ng Baguio City Council ang proyekto kaya’t pinapabilis na ang implementasyon nito.
Tiwala ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng 911 Command Center ay makakamit ang kapayapaan at katiwasayan, maayos na emergency response, disaster and traffic management at iba pang layunin.