-- Advertisements --

CEBU CITY- Handa umanong ibahagi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanilang mga “best practices” na ginawa sa kanilang lungsod para sa pina-igting na contact tracing sa lungsod ng Cebu.

Sa pagdating ni Magalong dito sa Cebu, sinabi nitong gusto niyang i-train ang mga contact tracers para modernong klase ng estratehiya.

Bubuo umano ito ng “core group” na kinabibilangan ng health workers, doktor, nars, pati na mga imbestigador galing sa PNP.

Dagdag pa ni Magalong na mag-iimplementa din ng “COVID-19 E-System” mula sa data production, paggamit ng geographic information system (GIS) platform, at mga tools para naman sa analysis.

Nilinaw naman ni Bagiuo City Mayor na hindi umano siya magdidikta sa kung ano ang dapat gawin ngunit gusto lang nitong ibahagi ang naturang practices.

Habang, malugod namang tinanggap ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang ibinahagi ni Mayor Magalong.

Ayon ng mayor na mahalaga umano ito para sa massive contact tracing sa 80 barangay sa lungsod.

Nagpasalamat din ang alkalde kay Magalong dahil sa mga inputs na makakatulong sa covid-19 situation ng Cebu City.