-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Itinalaga si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang ambassador ng Disiplina Muna, isang advocacy campaign ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Cordillera kasabay sa paglulunsad nito sa Baguio Country Club nitong Miyerkules ng umaga.

Layunin ng nasabing kampanya na isulong ang good governance sa mga local governments sa rehiyon at itanim ang disiplina sa lahat ng mga Cordillerans.

Ang nasabing kampanya ay binubuo ng pitong actions sa sa pagpapatupad ng Road Clearing, Disaster Preparedness and Resilience, Anti Smoking, Ease of doing Business, Liquor Ban, Environmental or Tourist Clean up at Anti-Drug Abuse Campaign.

Ayon kay DILG Regional Director Marlo Iringan, naitalaga bilang ambassador si Magalong dahil sa ipinakita nitong good governance bilang mayor ng Baguio City.