-- Advertisements --

Pinayuhan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga bibisita sa kanilang lungsod ngayong Semana Santa na kung maari ay huwag ng magdala ng sasakyan at sumakay na lamang sa mga bus.

Ayon sa alkalde na taon-taon ay nagiging problema sa kanilang lungsod ang pagsikip ng trapiko dahil sa dami ng mga turista na nagtutungo doon.

Dagdag pa nito na mahihirapan din ang mga motorista na makahanap ng mga parking space.

Inaasahan nito na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo ay baka abutin ng 150,000 na mga turista ang magtutungo sa kanilang lungsod dahil sa sobrang init na rin ng panahon.

Pinag-aaralan pa rin nila kung kanilang tatanggalin ang traffic number coding sa lungsod.